Latest News‎ > ‎

DSPC 2013-Overall Awards Third Place Nasungkit ng Tuyo ES

posted May 11, 2011, 8:05 AM by Marites Dela Pena
Nasungkit ng  Tuyo  Elementary School ang ikatlong puwesto sa Over-all awards –Filipino category  sa katatapos na Division Schools Press Conference  na ginanap noong  October 10-11,13 , 2013 sa Balanga Elementary School.

    Walang pagsidlan ng kasiyahan ang mga mag-aaral at guro ng Tuyo Elementary School ng makamit ng mga mamamahayag ng pahayagang Magbubukid ang ikatlong pwesto –Over all awards sa DSPC 2013. Anila, sulit ang pagod at paghihirap na naranasan nila sa ilang linggong pagsasanay at pag-uwi ng gabi bilang paghahanda sa gaganaping Division Schools Press Conference.

    Ang mga mag-aaral na nagsilbing daan sa pagkakamit ng tagumpay na ito ay sina John Paul Bagang, 3rd place Newswriting-Filipino; Angelica Quintos 4rth place Newswriting-English; Kyla Rose Pangilinan Feature Writing-Filipino; Abigail Ann Dela Peña, 2nd place Photojournalism-Filipino; Regina Lopez, 4th place Editorial C artooning-Filipino; John Cedric Luzame at Louella Marcos,3rd place Best Scriptwriters-Filipino; Mikael Luigi Salazar, 3rd place Technical Application at Norel Isidro,4th place Science Writing-Filipino.

    Inaasahan na sa susunod na DSPC mas marami pang panalo ang maiuuwi ng mga mamamahayag ng Magbubukid .

Comments