Latest News‎ > ‎

Tuyo E/S Brigada Eskwela’s Division Level Best Implementer (Small Category)

posted Feb 18, 2016, 1:33 AM by Jonarobesa Domingo

Itinanghal ang Tuyo Elementary School bilang  best implementer (small category) ng Brigada Eskwela sa Dibisyon ng City of Balanga.

Ipinagkaloob kay Gng. Violeta M. Mena, punungguro, at Gng Marites S. dela Peña, Brigada Eskwela Coordinator, ang sertipiko at tropeo ng panalo noong Setyembre 23 sa Crown Royale, Lungsod ng Balanga.

4 na paaralan ng dibisyon ang pinagpilian para sa nasabing kategorya.

Taun-taon ay isinasagawa ang Brigada Eskwela ng lahat ng paaralan sa buong Pilipinas kung saan layunin nitong mapabuti ang sitwasyon ng bawat silid-aralan at ng buong kapaligiran nito bilang paghahanda sa dara-ting na pasukan.

Tuwing Brigada Eskwela katuwang ng mga guro ng Tuyo E/S ang mga magulang, mga opisyales ng barangay at ng Lungsod ng Balanga, alumni, at mga pribadong samahan at indibidwal.

Sama-samang gumagawa at nagtutulungan ang bawat isa upang makamit ang layuning mapabuti ang kalagayan ng paaralan ng Tuyo para sa  mga mag-aaral nito.

“Sa masisipag at walang sawang tumutulong sa aming paaralan kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat,” ayon kay Gng. Mena.

“Patuloy po nating ipakita ang suporta sa ating paaralan upang makamit ang de-kalidad na edukasyon,” dagdag pa ni Gng. Mena.

Ang mega guro ng nasabing paaralan ay patuloy na nangeengganyo sa mga magulang at indibidwal upang makatuwang sa pagpapabuti ng edukasyon ng mga mag-aaral.

Comments