Latest News‎ > ‎

Paglahok sa Hour of Code, Ikinasabik ng mga Mag-aaral

posted Dec 9, 2016, 3:13 PM by Jonarobesa Domingo
 
Lumahok ang mga mag-aaral mula ika-apat hanggang ika-anim na baitang ng Tuyo ES sa Hour of Code na inilunsad ni Congressman Joet Garcia. Ito ay ginanap mula Disyembre 5-11 sa E-Classroom ng paaralan.
    "Bawat isa ay gusto ng humawak ng computer ng malaman nilang maglalaro sila ng Minecraft. Karamihan sa mga mag-aaral ay pumapalakpak pa at napapataas ang kamay kapag nagagawa nila ang task,"pahayag ni Gng. Jonarobesa P. Domingo, ICT Coordinator ng paaralan.
    "Halos lahat ay marunong na humawak ng computer pero may ilan na sobrang lamig ng kamay dahil first time daw nilang maglalaro sa computer,"dagdag pa niya. 
    Ang mga mag-aaral ay naglaro ng Minecraft na kung saan may task na dapat maisagawa upang makapunta sa susunod na level. Binibigyan ang mga mag-aaral ng certificate kapag natatapos nila ang Level 1-14.
Comments