Latest News‎ > ‎

Obese na mga mag-aaral, balik tamang timbang sa hataw

posted Feb 14, 2016, 8:25 PM by Jonarobesa Domingo   [ updated Feb 18, 2016, 1:26 AM ]
   Siyam na obese at 29 na overweight na mag-aaral ang naghataw tuwing hapon bago kumain upang mabawasan ang kanilang timbang at maging normal na ulit ang kanilang bigat.

    Nag-ehersisyo ang mga mag-aaral kasama ang kanilang guro sa Audio-Visual room at minsan din silang sumali  sa hataw ng barangay na ginaganap tuwing Martes, Huwebes at Sabado ng hapon sa barangay plaza.                 

    “Mahalaga ang pagkakaroon ng wastong timbang upang makaiwas sa mga sakit gaya ng altapresyon, diabetes  at sakit sa puso,” ayon kay Gng. Leny Dacion, midwife sa health center ng Tuyo.

Comments