Latest News‎ > ‎

Math Trail isinagawa ng mga Math Wizards

posted Jan 30, 2016, 1:48 AM by Jonarobesa Domingo   [ updated Feb 14, 2016, 8:40 PM ]

Nakilahok ang mga piling mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Tuyo upang maipakita ang kanilang aking talino sa asignaturang Matematika.

 Setyembre 24, 2015, alas dos ng hapon ginanap ang Math trail sa nasabing paaralaan.

Ayon kay Carl Lourenz Carpio, “Mas lalo pang nahasa ang kaisipan ko sa asignaturang Matematika.”

Naghanda ng mga hamon ang mga miyembro ng Math club na sina Janine Paith Poscablo, Jobert Manrique, Mark Joshua Lingad, Justin Patrick Cariño, Zandro Animos, Mark Rovick Aquino at Jeann Dispo.

Isinagawa ng mga mag-aaral ang anim na istasyon. Iba’t- ibang hamon na ibinigay sa kanila tulad ng tumakbo sa sampung beses, tumalon gamit ang sako, pabilisan na ang kutsara ay nakalagay sa bibig na may kalamansi, pagpapadulas, palipat-lipat ang dalawang paa at paghuhulahoop ng sampung segundo lamang.

“Nahirapan ako sa Station 2 sa pagbibilang ng mga banderitas,” ani ni Darren Iverson V. Mendoza

Wagi sa Math Trail ang pang-apat na grupo, sa pamumuno nila Clarence Domingo at Michaella Mendoza.

“Nahirapan ako sa pagsagot ng mga tanong na binigay sa amin ng mga Math Club Officers”, ayon kay Roel Signio.

Pinangunahan ni Bb. Cecile Atienzo, school Math coordinator at mga miyembro ng Math Club officers ang Math Trail.

 

    
      
Comments