Latest News‎ > ‎

Mother and Child Cookfest, Ginanap

posted Nov 25, 2013, 10:43 PM by Jonarobesa Domingo

Nagtagisan ng galing sa pagluluto ang mga nanay at ang kanilang mga anak (Mother and Child Cookfest) sa Home Economics Room ng TES noong Hulyo 30, 2013 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

            Pangunahing sangkap sa kanilang pagluluto ang mga bungang ugat, may gumamit ng mani, kamote, gabi, kamoteng kahoy, labanos at carrots.

Pinakamalinamnam, pinaka-abot kaya at pinakamasustansya ang Lumpiang Sariwa na luto ng mag-inang Nida at Nicole Barata ng Grade III-Narra, pumangalawa naman ang Gabi Bola-Bola nina Rowena at Larwen Santos ng Grade Six-Earth at pangatlong puwesto naman ang nakamit ng Yummy Gabi nina Lourdes at Editha Avelino ng I-Magalang. Sina Gng. Lenida Dacion, Brgy. Tuyo Health Officer, Gng. Edna Polache, principal ng G.L. David Elementary School at Gng. Violeta Mena, ang aming punungguro, ang naging hurado sa nasabing cookfest.

Kasabay din nasabing cookfest ang pagpili ng A1 Child at paggawa ng clay, poster at slogan ng mga mag-aaral na may kinalaman pa rin sa temang, “Gutom at Malnutrisyon: Sama-sama nating Wakasan”.

 


Comments