Latest News‎ > ‎

Madadahong gulay, bida sa cookfest

posted Feb 14, 2016, 8:28 PM by Jonarobesa Domingo   [ updated Feb 18, 2016, 1:21 AM ]
    Madadahong gulay ang naging pangunahing sangkap sa pagluluto ng mga nanay sa ginanap na cookfest ng Buwan ng Nutrisyon.

    Nagluto sa Home Economics Building ang siyam na pares ng nanay at anak mula sa Kinder hanggang Grade VI sa Leafy Veggie Cookfest.

     Mayaman sa bitamina A, C, K at mineral tulad ng iron at calcium ang petsay, saluyot, alugbati, malunggay, dahon ng gabi  at talbos ng kamote na isinangkap ng mga nanay sa kanilang inilutong Ginataang Munggo, Cabbage rolls, Ginataang Dahon, Leafy Veggie Combo, Shanghai Malunggay, Puto Vegetable Cake, Kare-kare con Gulay at Ginataang Labong.

    Sina G. Romy Bascara, EPS-I in EPP, Bb. Lorna V. Guinto, EPS-I in ESP at gng. Leny Dacion, Tuyo City Health Worker at Gng. Violeta M. Mena, principal II ang mga naging hurado sa nasabing patimpalak.

    Itinanghal na nanalo ang Ginataang Labong na iniluto ng mag-inang mula sa ikalawang baitang pangkat Sampaguita na sina Mely at John Hendrix Carreon.

    Kasabay ng isinagawang paligsahan sa pagluluto ang A1 Child, poster  at slogan making contest kung saan itinanghal na nanalo sina Anne Fatima dela Peña, at Erika Pangilinan sa poster making,; Carl Lourenz Carpio sa slogan; at Noriel Lopez, Eunice Pablo at Jayra Claire Alfonso sa A1 Child.

    Iba’t ibang bilang ang inihanda ng mga mag-aaral para sa programa ng buwan ng Nutrisyon na ginanap sa school plaza.

    Ang mga nabanggit na paligsahan at palatuntunan ay naayon sa tema ng Buwan ng Nutrisyon: “Timbang Iwasto sa Tamang Nutrisyon at Ehersisyo.”

Comments