Latest News‎ > ‎

Lakbay-aral sa Brgy., nilahukan ng mga mag-aaral

posted Feb 14, 2016, 8:32 PM by Jonarobesa Domingo   [ updated Feb 15, 2016, 1:44 AM ]
   Nagkaroon ng lakbay-aral sa Brgy. Tuyo ang mga mag-aaral mula ika-apat, hanggang ika-anim na baitang upang mamulat ang mga mag-aatal sa kasaysayn ng kanilang barangay at makilala ang mga namumuno rito.

   Inilibot sa buong brgy. Ang mga mag-aaral sa pangunguna ni gng. Arlene S. Luzame, SPG at AP coordinator noong Martes, Sept. 29.

    Namulat ang mga mag-aaral sa mga kasaysayan ng bawat kanto ng brgy. kung saan  nagmula ang pangalan ng bawat isa gayundin nakilala nila ng personal si Kapt. Conrado M. Tallorin, mga konsehal, mga kagawad at mga empleyado ng brgy.

    Naniniwala ang mga guro sa Araling Panlipunan ng Tuyo E/S na mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang kasaysayan ng kanilang lugar kung saan sila nagmula upang maging mulat sila sa pinagmulan nito at madagdagan pa ang kanilang kaalaman.

Comments