Latest News‎ > ‎

Kinder, humakot ng panalo sa festival talents

posted Nov 26, 2018, 3:49 PM by JONAROBESA DOMINGO
Humakot ng panalo ang mga mag-aaral ng Kindergarten sa ginanap na 6th Division Kindergarten Festival of Talents.

                  Nasungkit ni Dave Vincent Enriquez ang 1st Place sa Poem Recitation-Ang Mahika sa Kindergarten, kung kaya’t muli siyang lalaban para sa Regional Kindergarten Festival of Talents sa Sta. Maria Bulacan sa Nob. 21.

                  Pasok naman sa 2nd Place sa Coloring si  Kyle Venisse Ysmael, 3rd Place sa Draw and Tell-Ang Buhay Kindergarten ang nakamit ni Andrea Christina Pascual at 6th Place naman sa Story Telling-Ang Hangad ng Munting Puno si Kiel Aldrich Echaluse.

Sumailalaim sa pagsasanay nila Gng. Sarah M. dela Rosa at Bb. Princess Sarah P. Robles, mga guro sa Kindergarten, ang mga piling mag-aaral na lumahok sa Kindergarten Festival of Talents.

“Sulit na sulit ang pagod at pagsasanay na ginawa namin sa kanila katuwang rin ang kanilang mga magulang,”pahayag ni Gng. Dela Rosa.


Comments