Latest News‎ > ‎

Feb-ibig, Pre-Valentine's Party

posted Feb 18, 2016, 2:18 AM by Jonarobesa Domingo
 Pulahan ang lahat ng mga mag-aaral, guro at magulang ng Tuyo E/S sa pagdiriwang ng kanilang Pre-Valentine's Day Party noong Pebrero 12, 2014.

Nagkaroon ng maikling programa upang kilalanin ang mga nanalo sa signature campaign ng Mr. and Ms. Hearts 2016 kung saan itinanghal na nanalo sila Jobeth Angelo Magat, mag-aaral mula sa VI-Earth at Fatima Anne dela Pena, mag-aaral mula sa III-Narra na kung saan ang nalikom na pondo ay ipambibili ng mga instructional materials ng mga guro tulad ng TV at projector.

Humataw ang lahat sa oras ng kanilang Dance Party. Hindi naman nakalimutang ipadama ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga magulang at mga guro kaugnay na rin nasabing pagdiriwang.

Kasamang nagdiwang ng Araw ng mga Puso ng mga taga-Tuyo E/S ang aming area supervisor na si Bb. Lorna V. Guinto, mga GPTA Officers sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Gng. Josephine Magat at kumatawan naman para sa mga opisyales ng barangay si G. Danilo Barinque.


Comments