Latest News‎ > ‎

Earthquake drill isinabay sa araw ng 1990 killer quake

posted Feb 14, 2016, 8:30 PM by Jonarobesa Domingo   [ updated Feb 18, 2016, 1:19 AM ]
    Isinagawa ng mga guro at mag-aaral ng Tuyo E/S ang earthquake drill kasabay ng araw na lumindol sa Baguio noong Hulyo 16 bilang pakikiisa sa layunin ng Department of Education  (DepEd) at City Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na maging handa sa oras ng lindol.

    1990 ng maganap ang lindol sa Baguio City kung saan maraming buhay ang nawala dahil sa mga gumuhong bahay at gusali. Maraming tao ang nagpanic, hindi handa at hindi alam ang gagawin kung kaya’t ganun na lang ang naisin ng ating pamahalaan na huwag ng maulit ang ganitong pangyayari.

    Nagkaroon ng pagsasadula ang mga guro at mga mag-aaral sa mga dapat gawin kapag may lindol at ano ang mga hakbang na dapat isagawa kung may naiwan sa loob ng gusali.

    Nagbigay ng puna at dagdag kaalaman ang mga evaluators mula sa City Public Safety Office (CPSO), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Lion’s Club at CDRRMO tungkol sa kanilang naoserbahan kaugnay ng nasabing earthquake drill.

    Bago ang nasabing drill tinalakay ng mga guro ang mga dapat gawin kapag lumindol at kanila ring pinasagutan ang mga tanong kung gaano kahanda ang kanilang pamilya bago, habang at pagkatapos ng lindol kaugnay ng tema ng earthquake drill: “Pamilya at Pamayanang Handa katuwang sa pag-unlad ng Bansa.”

Comments