Latest News‎ > ‎

Dep-Ed at DOH nagtulungan sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mag-aaral

posted Feb 14, 2016, 8:34 PM by Jonarobesa Domingo   [ updated Feb 14, 2016, 8:48 PM ]

    Nagtulungan ang Department of Education (Dep-Ed) at Department of Health (DOH) sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpupurga at pagbabakuna.

    Pinurga ang lahat ng mga mag-aaral at guro ng Tuyo Elementary School bilang pakikiisa sa National Deworming Day noong Hunyo 29, Miyerkules sa pangunguna ni Gng. Leny Dacion, midwife, health officer ng brgy. Tuyo kasama ang mga health workers.

    Binakunahan naman ang 78 mag-aaral ng unang baitang laban sa measles-rubella at typhoid-diphtheria bilang bahagi ng School Based Immunization Program ng DOH noong Agosto 19 sa pangunguna ng mga G. Oliver Enriquez, RHU I at mga City Health Officers.

    Wala namang naitalang masamang epekto sa mga mag-aaral ng Tuyo E/S kaugnay ng mga nasabing gawain.

    Layunin ng mga nabanggit na gawain na panatilihin at patatagin ang resistensiya ng mga mag-aaral laban sa sakit.

 

Comments