Latest News‎ > ‎

Palarong Tuyo,Daan sa Tagumpay at Pagkakaisa ng Pamilya

posted May 11, 2011, 7:57 AM by Marites Dela Pena
            Naging daan sa tagumpay at pagkakaisa ng bawat pamilya na nagsidalo ang naganap na Palarong Tuyo upang lalong masanay ang lakas ng isip at pangangatawan sa larangan ng paligsahan ang mga batang manlalaro at ipagdiwang ang pagsasama-sama ng pamilya (Family Day) ng Paaralang Elementarya ng Tuyo noong ika-20 ng Setyembre, 2013.

            Nagkaroon ng iba’t-ibang uri ng paligsahan sa palakasan tulad ng Volleyball, Badminton, Chess at Sipa na pinaglabanan ng apat na pangkat: Red team, Yellow team, Blue team, at White team. Ang bawat team ay binubuo ng mga piling mag-aaral mula sa ikatlo hanggang ika-anim na baitang kasama ang kani-kanilang coaches.

            Nagsimula ang nasabing gawain sa parade at sinundan ito ng maikling palatuntunan. Walang tigil ang saya at walang kapaguran ang bawat isa sa buong palaro. Sama-samang kumain ng pananghalian ang mga mag-aaral kasama ang kanilang magulang at guro sa kani-kanilang silid-aralan. Nakipaglaro din ang mga magulang kakampi ang kanilang mga anak sa palarong inihanda ng pamunuan ng General PTA at mga guro. Sa katapusan ng gawain, Yellow Team ang nagwagi.

Comments