Latest News‎ > ‎

Berceles, sasabak sa RSPC

posted Nov 26, 2018, 3:34 PM by JONAROBESA DOMINGO   [ updated Nov 26, 2018, 3:36 PM ]

                                  

 

 Sasabak sa Regional School Press Conference (RSPC) sa Malolos, Bulacan, Nobyembre 19-21, si Aliyah Berniez M.  Berceles  matapos pumangalawa sa Photojournalism ng Division School Press Conference (DSPC) sa City of Balanga National Highschool (COBNHS) noong Nobyembre 5-7.

                  “Hindi ko po inaasahan na mananalo ako ng ikalawang puwesto sapagkat kinakabahan po ako,”kuwento ni Aliyah.

                  “Nakinig po akong mabuti sa speaker namin na si Sir Joemar at inaplay ko po ang mga itinuro ni Ma’am Jona sa akin,”dagdag pa niya.

Sinanay ni Gng. Jonarobesa P. Domingo si Berceles sa pagkuha ng larawan tuwing hapon bago mag-uwian.

“Sobrang saya ko hindi lang dahil nanalo si Aliyah kundi matulungin din siyang bata,”sabi ni Gng. Domingo.

“Binigyan pa niya ng pambili ng ice cream yung isang bata sapagkat lumapit daw ito sa kanya at nagsabing wala itong baon,”kuwento ni Gng. Domingo.

Naghahanda pa lalo si Berceles para sa laban niya sa RSPC.

Samantala, wagi rin naman ng ikaapat na puwesto sa DSPC sina Cristine Ann Nadura, Pagsulat ng Balita,  Ian Pantaleon, Pagsulat ng Balitang Isports sa pagsasanay ni Bb. Cherrylyn S. Roque at ikalimang puwesto sa Photojournalism si Calix Jcob P. Domingo sa pagsasanay pa rin ni Gng. Domingo.

 

Comments