Latest News‎ > ‎

Bagong Pamunuan ng GPTA, Inihalal

posted May 11, 2011, 8:03 AM by Marites Dela Pena
Matagumpay na naidaos ang halalan ng bagong pamunuan ng General Parents Teachers Association(GPTA) noong July 26, 2013 na ginanap sa Audio Visual Room ng Tuyo Elementary School na kung saan napagtagumapayan ni G. Bayani Torres ang pagiging presidente ng GPTA, SY 2013-2014.

    Sa naturang halalan, mapalad na nagwagi rin sina Gng. Cianita Fernandez, vice president; Gng. Aileen Iglesia at Gng. Leonor Tamayo, secretary; Gng. Emily Pelagio at Gng. Arlene S. Luzame, treasurer; Gng. Lorna Magat , auditor; Gng. Jenny Pascual at G. Joseph Vicencio, peace in order; G. Walter Gabanes at G. Danny Cumilang, sgt. at arms na naiproklama na rin pagkatapos ng halalan sa pamamagitan ni Gng. Violeta M. Mena, punong – guro ng Tuyo Elementary School.

    Matatandaang si G. Torres na noon ay hindi pa kumakatawan bilang opisyales ng paaralan ay naging kaagapay na ni Gng. Marissa Pangilinan , dating pangulo ng GPTA upang maipaayos ang school plaza.Aniya, hindi kinakailangang maging opisyales  ng isang samahan upang magbigay ng tulong sa paaralan na kung saan ang naging basehan niya ay masidhing hangarin na makatulong sa paaralan.

    Ayon sa mga bagong na opisyales ng GPTA, gagawin nila sa abot ng kanilang makakaya ang pagtulong sa paaralan upang maging karapat-dapat sila sa tiwalang ibingay sa kanila ng mga guro at kapwa magulang at gayundin para na rin sa kapakanan ng mga mag-aaral ng Tuyo.

Comments