Latest News‎ > ‎

Educhild Matagumpay na Natapos ng mga Magulang

posted May 11, 2011, 7:59 AM by Marites Dela Pena

    Buong tiyagang naidaos ng  19 pares ng magulang ang Educhild Parenting Seminar na sinimulan noong Hulyo 24, 2013 at natapos noong Oktubre 2, 2013 na ginanap sa Audio Visual Room ng Tuyo E/S.

   Ang Educhild Paren-ting Seminar ay isang programang inilaan ni Mayor Joet Garcia para sa mga magulang  na naglalayong mas mapabuti pa nito ang kanilang tungkulin at    responsibilidad bilang isang magulang , layunin din nito na bigyan ng kaalaman ang mga magulang kung paano ang tamang pakikitungo sa mga anak at gayundin ang tamang paraanng pagpapalaki ng isang anak upang sa kalaunan ay maging isang mabuting mamamayan ng Balanga.Ang mga naturang tema ay napapaloob sa sampung modyul na buong husay at komprehensibong naipaliwanag nina G. Rolly Dizon, G. Bernardo Villanueva, Pastor Cris Ballester, Pastor Erwin at Pastora Cecile Ocampo sa mga magulang na matiyagang natapos ang sampung Martes na itinakda sa kanila upang matapos ang seminar. Ayon sa kanila ginawa nila ito dahil sa pagpapahalaga nila sa kanilang mga anak.

Comments