Latest News‎ > ‎

50th Alumni Homecoming, dinaluhan

posted Mar 15, 2018, 2:08 AM by JONAROBESA DOMINGO
Dinaluhan ng 325 alumnus ang 50th Alumni Homecoming ng Paaralang Elementarya ng Tuyo, Disyembre 23, 2017 upang bigyang-daan ang muling pagsasama-sama ng mga naging mag-aaral ng paaralan makalipas ang limampung taon.

                 Nagbigay-saya ang mga dumalo sa pagdiriwang mula batch 1967 hanggang batch 2017 nang magkita-kita na sa isinagawang misa-pasasalamat sa pangunguna ni Rdo. Pde. Rejine Tenorio, assistant priest ng Saint Joseph Cathedral bilang panimula ng nasabing okasyon.

 Pinangunahan ni Gng. Leah C. Barcelonio, pangulo ng General Parent-Teacher Association o GPTA at mga opisyales nito ang paghahanda at pagsasa-ayos ng pagdiriwang katuwang ang mga guro.

                 Nakalikom ng halagang Php 10, 930.00 mula sa mga dumalong batch na magbigay ng boluntaryong pledge upang makatulong sa pangangailangan ng paaralan sa bawat batch sa pangunguna ng GPTA officers.


Comments