Latest News


Bagong Pamunuan ng GPTA, Nanumpa

posted Sep 25, 2017, 11:37 PM by JONAROBESA DOMINGO   [ updated Sep 25, 2017, 11:58 PM ]

   Nanumpa ang mga bagong halal na GPTA at HRPTA ng aming paaralan sa 9th Educ-Summit na ginanap sa Lou-is Resort and Restaurant noong Agosto 25, 2017 sa pangunguna ni Mayor Francis Anthony S. Garcia.
    Nahalal bilang pangulo ng Tuyo ES GPTA si Gng. Leah C. Barcelonio, pangalawang pangulo si G. Zozimo ALintavo, kalihim si Gng. Leonilyn Muñoz, ingat-yaman si Gng. Marivic Pantaleon, at taga-suri si Gng. Cristina Isidro.
    Kasama nilang nanumpa ang mga pamunuan ng bawat klase ng Tuyo ES.
    Dumalo rin sa naturang Summit ang mga guro ng nasabing paaralan.
    

Ika-50 Pagtatapos ng Tuyo ES,ginanap

posted May 1, 2017, 4:49 PM by Jonarobesa Domingo

  
 
Ginanap ang ika-50 taon ng Pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng Tuyo noong Abril 6, 2017 ganap na alas-9 ng umaga. 91 mag-aaral ang nagsipagtapos sa araw na iyon.
    Nakamit nina Mark Joshua V. Lingad, Roel L. Signio, Kiara Mae G. Alfonso, Jobert Andrew M. Manrique at Hannah Christelle P. Caragay ang Academic Excellence Award with Honors.
    Naging panauhing Tagapagsalita si Gng. Ma. Cristina S. Pimpinio, Batch 1981, Manager at Vice President ng Development Bank of the Philippines.
    Pinangunahan nina Gng. Violeta M. Mena, Gng. Carolina S. Violeta, Gng. Jeannete L. Andales, Bb. Ellen C Macaraeg, Gng. Flordeliza del Rosario at Mayor Francis Anthony S. Garcia ang nasabing pagtatapos.
    

Paglahok sa Hour of Code, Ikinasabik ng mga Mag-aaral

posted Dec 9, 2016, 3:13 PM by Jonarobesa Domingo

 
Lumahok ang mga mag-aaral mula ika-apat hanggang ika-anim na baitang ng Tuyo ES sa Hour of Code na inilunsad ni Congressman Joet Garcia. Ito ay ginanap mula Disyembre 5-11 sa E-Classroom ng paaralan.
    "Bawat isa ay gusto ng humawak ng computer ng malaman nilang maglalaro sila ng Minecraft. Karamihan sa mga mag-aaral ay pumapalakpak pa at napapataas ang kamay kapag nagagawa nila ang task,"pahayag ni Gng. Jonarobesa P. Domingo, ICT Coordinator ng paaralan.
    "Halos lahat ay marunong na humawak ng computer pero may ilan na sobrang lamig ng kamay dahil first time daw nilang maglalaro sa computer,"dagdag pa niya. 
    Ang mga mag-aaral ay naglaro ng Minecraft na kung saan may task na dapat maisagawa upang makapunta sa susunod na level. Binibigyan ang mga mag-aaral ng certificate kapag natatapos nila ang Level 1-14.

Oplan Tokhang Binigyang Linaw sa mga Mag-aaral

posted Dec 3, 2016, 9:16 PM by Jonarobesa Domingo   [ updated Dec 3, 2016, 9:25 PM ]

   
Upang maliwagan ang mga mag-aaral sa intermedya tungkol sa masasamang epekto ng droga, nagsagawa ng film showing at lecture  sa school plaza ng Tuyo ES noong Nobyembre 29, 2016.
    Kabi-kabila ang mga balita sa radyo at telebisyon hinggil sa Oplan Tokhang ng Pangulong Duterte kung kaya't sa murang edad pa lamang ng mga mag-aaral ng aming paaralan ay iminumulat na sila hinggil sa maaaring mangyari sa isang tao kapag gumamit ito ng ipinagbabawal na gamot.
    Pinangunahan ni Bb. Cherrylyn S. Roque ang nabanggit na gawain bilang bahagi ng pagdiriwang para sa Buwan ng Nobyembre ng Drug Abuse and Control Week katuwang niya ang iba pang guro ng intermedya sa pagsasakatuparan nito.

Brigada Eskwela 2016, pinagtulungan ng mga volunteers

posted Jun 18, 2016, 8:09 PM by Jonarobesa Domingo   [ updated Jun 18, 2016, 8:12 PM ]

    Pinagtulungan ng mga volunteers ang ginanap na Brigada Eskwela ng Tuyo ES. Nagmula sa iba't ibang samahan ang mga tumulong upang maging matagumpay ang BE 2016. Nakilahok ang mga magulang, Alumni, 4 P's, PNP, BFP, Sangguniang Barangay, Shop 72, Church of the Latter Day Saint's, Jesus Miracle Crusade, Jollibee, Pandayan Bookshop, Shakey's, Toyota Bataan at marami pang pribadong kumpanya at indibidwal.
    Isinagawa ang BE 2016 noong May 30-June 4. Isang linggong inihanda ng mga volunteers ang paaralan ng Tuyo para sa darating na pasukan.
    Malaking bahagi ang ginagampanan ng mga volunteers upang maging handa at ligtas ang mga paaralan para sa panunuran 2016-2017.
    Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa aming Brigada Eskwela.

Ika-49 na Pagtatapos

posted Apr 6, 2016, 4:11 PM by Jonarobesa Domingo   [ updated Apr 6, 2016, 4:54 PM ]

  
 
87 mag-aaral ang matagumpay na nakapagtapos sa ginanap na ika-49 na Pagtatapos ng Tuyo ES noong Marso 29, 2016.
    Si Engr. Danilo Salazar, Batch 1979, ang guest speaker sa araw na iyon. Siya ay kasalukuyang natatrabaho bilang Deputy Manager for VIscas Corporation sa UAE.
    Dinaluhan nina Dr. Carolina S. Violeta, OIC to the Office of the SDS, Mr. Armando Capili, OIC to the Office of the ASDS, Dr. Merlinda T. Tablan, CID Chief, Bb. Lorna V. Guinto, area supervisor at ilang punung-guro ang nasabing pagtatapos. 
    Nakamit ni John Melvin Mendoza ang pinakamataas na karangalan para sa Batch 2015-2016.
    Naluha ang mga magulang sa ginawang sulat at inihandang awit ng kanilang mga anak. Lubos na kaligayahan ang kanilang nadarama sa araw na iyon.
     
    

Feb-ibig, Pre-Valentine's Party

posted Feb 18, 2016, 2:18 AM by Jonarobesa Domingo

 Pulahan ang lahat ng mga mag-aaral, guro at magulang ng Tuyo E/S sa pagdiriwang ng kanilang Pre-Valentine's Day Party noong Pebrero 12, 2014.

Nagkaroon ng maikling programa upang kilalanin ang mga nanalo sa signature campaign ng Mr. and Ms. Hearts 2016 kung saan itinanghal na nanalo sila Jobeth Angelo Magat, mag-aaral mula sa VI-Earth at Fatima Anne dela Pena, mag-aaral mula sa III-Narra na kung saan ang nalikom na pondo ay ipambibili ng mga instructional materials ng mga guro tulad ng TV at projector.

Humataw ang lahat sa oras ng kanilang Dance Party. Hindi naman nakalimutang ipadama ng mga mag-aaral ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga magulang at mga guro kaugnay na rin nasabing pagdiriwang.

Kasamang nagdiwang ng Araw ng mga Puso ng mga taga-Tuyo E/S ang aming area supervisor na si Bb. Lorna V. Guinto, mga GPTA Officers sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Gng. Josephine Magat at kumatawan naman para sa mga opisyales ng barangay si G. Danilo Barinque.


Nationwide Early Registration

posted Feb 18, 2016, 1:38 AM by Jonarobesa Domingo

     Nagkaroon ng Early Registration sa Tuyo E/S upang maagang maipalista ang mga mag-aaral na limang taon para sa Kindergarten at anim na taon para sa mga papasok sa Grade One.                                                                                                                                    Maaga pa lang ay nagkaroon na ng palistahan noong Enero 30, 2016 sa Covered Plaza ng Tuyo E/S.Pinangunahan ito ng mga guro mula sa Kindergarten na si Gng. Ediesa Mendoza, mga guro sa unang baitang na sina Gng. Leonor Tamayo, Gng. Jackeline Villanueva at Gng. Marlyn Maghanay,  at sa ALS naman si Gng. Marites dela Pena.                 Katuwang ng paaralan ang mga opisyales ng barangay na nakiisa at nagpakita ng suporta sa nasabing palistahan.    

Tuyo E/S Brigada Eskwela’s Division Level Best Implementer (Small Category)

posted Feb 18, 2016, 1:33 AM by Jonarobesa Domingo

Itinanghal ang Tuyo Elementary School bilang  best implementer (small category) ng Brigada Eskwela sa Dibisyon ng City of Balanga.

Ipinagkaloob kay Gng. Violeta M. Mena, punungguro, at Gng Marites S. dela Peña, Brigada Eskwela Coordinator, ang sertipiko at tropeo ng panalo noong Setyembre 23 sa Crown Royale, Lungsod ng Balanga.

4 na paaralan ng dibisyon ang pinagpilian para sa nasabing kategorya.

Taun-taon ay isinasagawa ang Brigada Eskwela ng lahat ng paaralan sa buong Pilipinas kung saan layunin nitong mapabuti ang sitwasyon ng bawat silid-aralan at ng buong kapaligiran nito bilang paghahanda sa dara-ting na pasukan.

Tuwing Brigada Eskwela katuwang ng mga guro ng Tuyo E/S ang mga magulang, mga opisyales ng barangay at ng Lungsod ng Balanga, alumni, at mga pribadong samahan at indibidwal.

Sama-samang gumagawa at nagtutulungan ang bawat isa upang makamit ang layuning mapabuti ang kalagayan ng paaralan ng Tuyo para sa  mga mag-aaral nito.

“Sa masisipag at walang sawang tumutulong sa aming paaralan kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong lahat,” ayon kay Gng. Mena.

“Patuloy po nating ipakita ang suporta sa ating paaralan upang makamit ang de-kalidad na edukasyon,” dagdag pa ni Gng. Mena.

Ang mega guro ng nasabing paaralan ay patuloy na nangeengganyo sa mga magulang at indibidwal upang makatuwang sa pagpapabuti ng edukasyon ng mga mag-aaral.

70’s, 80’s, 90’s na mga awitin, tampok sa Buwan ng Wika

posted Feb 18, 2016, 1:30 AM by Jonarobesa Domingo

Itinampok sa Buwan ng Wika ng mga mag-aaral mula sa V-Gold, V-Silver, VI-Earth at VI-Jupiter ang mga awitin mula 70’s-90’s upang balikan ang mga nausong awitin noong mga panahong iyon.

             Ilan sa mga itinampok na awit ay ang Ako’y Isang Pinoy ni Florante, Tayo’y mga Pinoy ni Herber Bartolome at Mga Kababayan Ko ni Francis Magalona.

             Ang musika ay bahagi ng ating wika at ang pag-awit isa sa masining na paraan ng pagpapahayag ng damdamin ng isang manunulat.

Nagpakitang gilas din ang mga mag-aaral sa balagtasan, sabayang pagbigkas at pagsayaw ng Kunday-kunday.

Isinadula rin ng mga mag-aaral ang buhay ng Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel Luis Quezon.

Nagsagawa ng paligsahan sa masining na pagkukuwento, pagtula, pagguhit, pagsulat ng tula at sanaysay na kaugnay sa tema ng nasabing pagdiriwang.

Ipinakita rin ng mga mag-aarla mula sa unang baitang ang kanilang talento sa pagguhit ng mga bayani ng ating bansa.

Binigyang parangal ang mga nanalo sa mga nabanggit na paligsahan.

 

1-10 of 24